WALANG LUSOT | Isang bading, kalaboso matapos magtangkang magpasok ng iligal na droga sa Cebu City Jail

Cebu City – Kalaboso ang isang bading na dadalaw sa Cebu City Jail matapos magtangkang magpuslit ngdroga.

Nakilala ang suspek na si April Jay Ajoc na tinangkang ipasok ang nasa 20 pirasong nubain ampoules na nakalagay sa loob ng isang condom at nakatago sa kaniyang pwet.

Dahil dito, nasakote sa magkahiwalay na operasyon sa Barangay Guadalupe ang mga pinagkunan nito ng droga na sina Anthony at Rachel Vargas.


Nakuha sa dalawa ang sampung nubain ampoules at pitong maliliit na sachet ng shabu.

Hinala ng pulisya na posibleng magkasabwat ang mga naaresto sa pagpapapasok ng kontrabando sa kulungan kahit pa walang kamag-anak si Ajoc sa loob nito.

Facebook Comments