WALANG LUSOT! | Isang high-tech na gadget na kayang i-detect ang body odor, inilabas ngayon sa Japan

Japan – Bentang-benta ngayon sa bansang Japan ang isang high-tech na gadget na kayang ma-detect kung mayroong ka nang kili-kili power.

Ang gadget na “ES-100” na isang uri ng smell-sensing device na kayang ma-analyze ang body odor mo na may scale na 1 to 10.

Aabutin lamang ng sampung segundo at lalabas na agad ang resulta kung saan bukod sa body odor, kaya din niyang ma-analyze kung sobra na ang paggamit mo ng cologne at pabango.


Sinasabing maging ang singit at paa mo ay kaya din niyang i-detect kung mayroon na din itong mabahong amoy.

Hindi ka rin mahihirapan na bitbitin ito dahil sa singlaki lamang ito ng pager na pwede mong ilagay sa bulsa.

Facebook Comments