Davao – Hindi pa rin lusot si dating Davao City Vice Mayor Paulo Duterte kahit inabswelto na ito sa isyu ng puslit na illegal drugs sa Bureau of Customs.
Ipinahayag mismo ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na patuloy pa rin na iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman si Paolo Duterte.
Ito ay kaugnay ng mga reklamong kinakaharap ng nakababatang Duterte sa anti graft body.
Nilinaw naman ni Morales na si Paolo lamang ang iniimbestigahan dahil wala namang nakabinbin na kaso si Pangulong Rodrigo Duterte sa Ombudsman.
Hindi naman idinetalye ni Morales kung anong reklamo ang patuloy nilang iniimbestigahan dahil nag inhibit na siya sa mga reklamo laban sa unang pamilya.
Facebook Comments