Manila, Philippines – Iginagalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng Canada na pag-aralang mabuti at ihinto muna ang pagbebenta sa Pilipinas ng mga helicopters.
Pag-aaralan muna kasi ng Canadian Government ang planong pagbebenta ng mga Helicopters sa pamahalaan dahil ayaw nilang gamitin ang mga ito sa paglaban sa mga rebelde at dapat lamang gamitin sa mga humanitarian Mission.
Ayon kay Pangulong Duterte, wala siyang magagawa kung ito ang desisyon ng Canada at iginagalang niya ito.
Kaya naman inatasan ng Pangulo si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Rey Leonardo Guerrero na huwag nang bumili ng helicopters at iba pang armas sa Canada at sa Estados Unidos ng Amerika dahil laging may mga kondisyon na kaakibat ng pagbebenta ng mga ito ng mga kagamitan.
Sinabi pa ng Pangulo na sigurado namang nag-iisip ang mga opisyal ng Canada at naisip ng mga ito na ang mga terorista dito ay ang ISIS at nilalason nito ang isipan ng ilang Pilipino para sumanib sa kanila na hindi niya hahayaang mangyari.
WALANG MAGAGAWA | Desisyon ng Canada na pag-aralan ang pagbebenta ng helicopters sa Pilipinas, inirerespeto ng Pangulo
Facebook Comments