WALANG MAGBABAGO? | Hindi pagdedeklara ng gobyerno ng ceasefire sa teroristang NPA hindi pa nagbabago

Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na walang magbabago sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hindi nito pagdedeklara ng tigil putukan sa pagitan ng gobyerno at ng NPA ngayong panahon ng kapaskuhan at bagong taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kilala ang NPA sa pag-atake sa tropa ng pamahalaan kahit pa mayroong umiiral na ceasefire at hindi na mabilang ang mga pagkakataong ginawa ito ng rebeldeng grupo.
Binigyang diin ni Roque na hindi ilalagay ni Pangulong Duterte sa alanganin ang mga sundalo sa pagdedeklara ng ceasefire pero sinabi din naman ni Roque na hindi parin nila inaalis ang posibilidad na mayoon pang mangyari para pag-isipan ng gobyerno ang kasalukuyang nitong posisyon.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya magdedeklara ng Ceasefire dahil bukod sa pag-atake ay ginagamit lamang ng mga teroristang NPA na panahon para mag recruit ang tigil putukan.

Facebook Comments