WALANG MAGIGING PROBLEMA | BBL at Cha-Cha, hindi naman magbabanggaan

Manila, Philippines – Nilinaw ni Deputy Speaker Gwen Garcia na walang magiging problema sa pagitan ng Bangsamoro Basic Law (BBL) at Charter Change.

Ayon kay Garcia, mas makakatulong pa nga ang chacha sa BBL dahil mas mapapalakas pa nito ang Bangsamoro sakaling maipasa ito bago mag-Holy week break ang Kamara.

Sa oras na maging Federalism na ang gobyerno ay mas mabibigyan ng kapangyarihan ang Bangsamoro at ang ibang mga estado sa ilalim ng Federalismo.


Pero paglilinaw ni Garcia, hindi naman maaaring i-adopt ang BBL sa ilalim ng Federalism dahil ito ay nabuo salig sa 1987 Constitution.

Dagdag pa ni Garcia, hindi pa naaamyendahan ang Saligang Batas bunsod na ongoing pa rin ang chacha dahilan kaya Bangsamoro Autonomous Region ang itatawag sakaling maaprubahan ang BBL at hindi Bangsamoro state.

Pagtitiyak naman ni Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo, isa sa may-akda ng BBL, wala namang kaso kung alin sa chacha o BBL ang mauunang aprubahan dahil hindi naman interrelated ang bawat isa.

Facebook Comments