WALANG MAKAKAHADLANG | Mahigit 600 inmates ng Manila City Jail, nagtapos sa ALS

Manila, Philippines – Mahigit 600 bilanggo ng Manila City Jail ang nagtapos sa alok na Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd) at TESDA ngayong araw.

Sinaksihan mismo ng kanilang mga kaanak ang pagtatapos ng 617 inmates.

May tema ang kanilang graduation day na “Bringing the Mountain to Mohammed”.


Nagtapos sila sa mga kursong pastry, bread making at hilot o wellness kung saan sila tinuruang manghilot at magmasahe.

Layon umano ng programa na turuan ng mga bagong kasanayan ang mga bilanggo na magagamit nila oras na makalabas na sila ng kulungan.

Facebook Comments