WALANG MAKAKAPIGIL | Kahit hindi pa tapos ang rehabilitasyon, pagbubukas ng Boracay island, tuloy na tuloy na

Kahit hindi pa 100% tapos ay handa na ang Boracay Interagency Taskforce na buksan ang Boracay Island sa darating na biyernes o sa October 26.

Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones briefing sa Malacanang, tiwala sila na lahat ng mga malalaking environmental issues sa Boracay ay natugunan na ng inter-agency taskforce.

Pero kahit naman aniya hindi pa 100% nakukumpleto ang rehabilitasyon ng nasabing isla ay nasa 80% na ang pamahalaan sa pagbabalik sa Boracay sa dati nitong taglay na ganda.


Sinabi naman ni Interior and Local Government Assistant Secretary Jonathan Malaya na marami pang dapat gawin sa Boracay pero masaya sila sa maraming pagbabagong nagawa dito habang ito ay nakasara mula sa mga turista.

Ang mga pagbabago aniya na ito ay makikita ng mga Pilipino sa oras na ito ay magbukas sa darating na Biyernes.

Facebook Comments