Manila, Philippines – Hindi kayang pigilan ng Pilipinas ang China sa paglalagay ng signal jammer sa lahat ng kanilang reclaimed islands.
Ito naging pahayag ni Defense Secretary Defin Lorenzana matapos ang ulat ng Wall Street Journal na na naglagay ng signal jammer ang China sa Panganiban Reef isa sa mga isla sa West Philippine Sea.
Ayon kay Lorenzana, hindi nga napigilan ng Pilipinas ang ginawang reclamation sa ilang mga isla sa West Philippine Sea ng China ang paglalagay pa kaya ng signal jammer.
Posible aniyang naglagay ang China ng signal jammer dahil alam nilang mamo-monitor sila ng mga armadong US navy ships.
Aniya napakadaling maglagay ng signal jammer sa isang sasakyan para putulin ang komunikasyon at ang pinakamodernong paraan nito ay nagagamit sa mga weapon system na makikita sa mga malalaking barko at gusali.
Dahil high tech ito maaring buksan o patayin depende sa mission at kahit may sensor ay hindi malalaman na may signal jammer kung hindi ito naka-on o nakabukas.