WALANG MAKAPIPIGIL | Jeepney Modernization Program, tuloy na tuloy na

Manila, Philippines – Determinado ang Department of Transportation o DOTr na ituloy ang Jeepney Modernization Program sa susunod na taon.
Ito binigyang diin ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa kabila ng pagpoprotesta ng mga transport groups.
Sa panayam sa Senado ay sinabi ni Tugade na malaya ang sinumang magsagawa ng kilos-protesta pero dapat silang sumunod sa itinakda sa batas.
Si Tugade ay nagtungo sa Senado ngayong araw at dumalo sa pagdinig ng congressional oversight committee on Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Facebook Comments