WALANG MAKAPIPIGIL | PUV modernization program, umaarangkada na kahit magtuloy tuloy ang protesta ng PISTON

Manila, Philippines- Minaliit ni LTFRB Board member Aileen Lizada ang banta
ng grupong PISTON na may susunod pa silang ikakasang transport strike.

Ayon kay Lizada, hindi makukuha sa pagbabanta ang gobyerno dahil wala nang
makapipigil pa sa pag-arangkada ng PUV Modernization program.

Bilang patunay aniya , tuloy nabuksan na mga missionary routes ng mga
modernong jeepney.


Sa buwan ng Abril at Mayo ay magsisimula nang gumulong sa mga bagong ruta
ang mga modernong jeepney sa ilang lugar sa Metro Manila at sa ilang
rehiyon.

Aniya, laging handa ang joint quick reaction team tuwing magtitigil pasada
ang PISTON kung kaya at di natitigatig ang gobyerno.
<#m_5934556979573320148_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments