WALANG MALI? | Presidential Communications Asec. Mocha Uson, ipinagtanggol ang debut photo shoot ng apo ni P-Duterte sa Malacañang

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Asec. Mocha Uson ang pre-debut photo shoot ng apo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng MalacaƱang.

Ito ay matapos punahin ng ilang netizens.

Ayon kay Uson, wala siyang nakikitang mali sa ginawa ni Isabelle Duterte.


Kinondena kasi aniya si Isabelle na akala mo ay may pinatay itong tao.

Dagdag pa ni Uson, ginagawa rin naman ng kahit na sino na gastusan ang debut ng kanyang anak.

Naniniwala siya na kahit na sinong tao na unang tatapak sa MalacaƱang ay magpapakuha ng litrato.

Facebook Comments