WALANG MASAKYAN | Mga pasahero, tambak na mula Fairview hanggang QCMC

Nag-deploy ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) ng mga government vehicles para sa libreng sakay sa mga stranded na pasahero bunsod ng mga pagbaha na nangyari sa kalakhang Maynila.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada, spokesperson ng I-ACT, nag-deploy na ang MMDA ng isang military truck at bus simula Commonwealth at Litex Area para magsakay ng mga pasahero na napopondo mula sa Fairview hanggang Quezon City Memorial Circle.

Halos tatlong linya na ang kinuha ng mga naiipong pasahero na walang masakyan.


Halos punuan ang mga bus at pampasaherong jeep na hirap makabalik dahil sa matinding trapiko.

Dismayado ang mga commuters dahil wala pang dumarating na government vehicles.

Halos karamihan ay hindi na umabot sa kanilang appointments o di kaya ay late na sa pagpasok sa trabaho.

Facebook Comments