Manila, Philippines – Binasura ng Supreme Court En Banc ang petisyon na inihain ni Atty. Oliver Lozano na humihiling na ideklarang void ang appointment ni On-Leave Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Wala kasing nakitang merito ang Korte Suprema ang nasabing petisyon ni Lozano.
Ipinunto ni Lozano sa kanyang petisyon ang aniya ay kabiguan ni Sereno na tumalima sa Mandatory Legal Requirements sa appointment ng Punong Mahistrado.
Tinukoy din ni Lozano ang Impeachment Complaint na kinakaharap ni Sereno na nag-ugat sa Betrayal of Public Trust at sa kuwestiyonableng appointment nito.
Ang naturang kaso aniya ng Chief Justice ay nagdulot ng malaking eskandalo at pagkakahati-hati sa hudikatura.
Facebook Comments