Nagpaabot ng pakikiramay at simpatya ang Department of Foreign Affairs sa naulilang pamilya ng 2 katao na biktima ng Toronto shooting nuong Linggo
Sa nasabing insidente nasawi ang isang sampung taong gulang na babae at isa pa habang 13 naman ang sugatan
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kaisa ang Pilipinas sa pagdadalamhati ng mga biktima
Kasunod nito inihayag ng Philippine Consulate General sa Toronto na wala mula sa 400,000 na myembro ng Filipino Community ang nadamay sa insidente
Sa ulat ni Consul General Rosalita Prospero, bigla na lamang namaril ang 29-year-old na si Faisal Hussain sa hilera ng restaurant sa Danforth Avenue sa Toronto bandang alas dyes ng gabi.
Nasawi din ang suspek makaraang makipagbarilan sa mga otoridad.