Nanagawan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa government agencies at private partners na magkaisa sa pagtugon sa problema sa kagutuman sa bansa.
Sa paggawad ng Walang Gutom Awards sa Palasyo ng Malacanang kanina, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat magtulungan ang bawat isa upang maabot ang pangarap na wala nang magutom na Pilipino.
Kaugnay nito, hinikayat ng pangulo ang mga local government unit na gayahin ang mga LGU na pinarangalan ng Walang Gutom Awards dahil sa kanilang natatanging programa at inisyatiba upang masugpo ang gutom sa kanilang mga nasasakupan.
Sampung LGU ang binigyan ng tig-dalawang milyong piso na Sustainable Development Funds sa ilalim ng DSWD at bukod pa sa pitong finalists na tumanggap ng tig-isang milyong piso.
Facebook Comments