Chile – Walang naitalang casualty o injured na mga Pilipino sa Chile matapos itong yanigin ng 6.9 magnitude na lindol sa parte ng Valparaiso.
Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs kung saan patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon sa lugar.
Kasalukuyan na rin anilang nakikipag-ugnayan ang philippine embassy sa santiago sa filipino community sa chile.
Samantala, kinondena rin ng DFA ang naganap na terror attack noong April 20 sa champs-élysées sa Paris, France.
Nakikiisa ang Pilipinas sa buong France sa hakbang nitong mapuksa ang anumang uri ng terorismo.
Nagpahayag din ng pakikiramay ang bansa sa kaanak at kaibigan ng pulis na napatay sa insidente habang isinasagawa ang kanyang tungkulin.
Facebook Comments