WALANG NAMUMUNO | Higit 1 bilyong dolyar, mawawala sa MARINA

Manila, Philippines – Mahigit isang bilyong dolyar mawawala sa mga Stakeholders kapag wala pang permanenteng Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator ayon sa grupong Movement for Maritimes Philippines (MMP).

Naniniwala ang grupong MMP na malaki ang mawawala sa mga Stakeholders kapag hindi pa napupunan ang posisyon ng Administrator ng MARINA.

Ayon kay Captain Adonis Donato Chairman OSM Shipping Company, mahigit 1.3 bilyong dolyar bawat taon ang mawawala sa mga STAKEHOLDERS kapag wala pa rin MARINA Administrator at kailangan ay hands-on at highly technical ang dapat na itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na administrator ng MARINA upang matutukan ang mga problema sa ahensiya.


Aminado si Captain Donato na mababa na ang morale ng mga seaman pati na ang mga kumukuha ng maritime dahil sa nangyaring kontrobersyal ng MARINA.

Dagdag pa ni Donato na mahalaga umano na magkaroon ng permanenteng Administrator dahil pinaprayoridad at tinitingnan nito ang Standard Maritime Administration katuwang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Commission on Higher Education (CHED), Maritime School at iba pa dahil sila ang humaharap sa international partners upang mabigyan ng training ship ang bawat maritime school.

Facebook Comments