Benguet – Idineklara na ni Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino ang Search and Retrieval Operations sa landslide sa Itogon, Benguet.
Ito ay matapos makumpirmang wala nang survivors mula sa gumuhong minahan sa Barangay Ucab.
Una rito, tinawag na search, rescue and retrieval operations ang paghahanap sa mga nawawala pang biktima sa pag-asang may buhay pa sa kanila.
Pero kanina, sinabi ni OCD-CAR Director Ruber Carandang na wala nang nakitang “signs of life” ang mga rescuer nang pasukin ang main portal ng tunnel sa minahan.
Samantala, sumampa na sa 60 ang bilang ng mga labing nahukay mula sa gumuhong minahan sa Itogon.
Dalawa sa mga narekober kaninang tanghali ay kinilalang sina Romy Guinyang at pamangkin niyang si David Lalbog.
Nagpapatuloy din ang rescue operations sa nangyaring landslide sa Naga City, Cebu kung saan umakyat na sa 56 ang death toll habang 41 pa ang nawawala.