WALANG NANLABAN | Mapayapang unang araw ng Oplan Tokhang, pinagmalaki ni NCRPO Chief Albayalde

Manila, Philippines – Apatnapu’t tatlo ang kusang sumama at sumuko sa mga pulis sa unang araw ng pagbabalik ng Oplan Tokhang.

Ipinagmalaki rin ni National Capital Region Police Office Chief Oscar Albayalde na walang napaulat na nanlaban, nasaktan o nasawi sa isinagawang operasyon kahapon.

Pero sa kabila nito aniya, may tatlo namang tumangging sumuko at ang iba naman ay wala na sa kani-kanilang mga bahay.


Aniya, sasailalim muna sa evaluation ng Local Government Units ang apatnapu’t tatlong sumuko para malaman kung anong programa ang maaaring ialok sa mga ito.

Paliwanag pa ni Albayalde, wala pang pangangailangan na isailalim sa rehabilitasyon ang mga na-tokhang na hindi naman gaanong lulong sa iligal na droga.

Facebook Comments