Manila, Philippines – Minaliit ng Land Transportation Franchising and
Regulatory Board (LTFRB) ang tigil-pasadang ikinasa ng grupong PISTON
bilang pagtutol nila sa jeepney modernization program ng gobyerno.
Ayon kay LTFRB board member Aileen Lizada, wala pa sa isang porsiyento ng
mga pasahero sa Metro Manila ang naperwisyo ng tigil pasada.
Sinabi naman ni Lizada, na nasa 1,390 stranded o walang masakyang pasahero
ang natulungan ng mga sasakyang ipinakalat ng gobyerno.
Pero iginiit naman ni PISTON President George San Mateo na mali ang mga
numerong ibinabato ni Lizada.
Para kay San Mateo, matagumpay ang kanilang protesta lalo sa mga staging
area tulad ng Maynila, Quezon City, Monumento sa Caloocan, Parañaque,
Cavite, at Laguna.
Facebook Comments