WALANG NASAKTAN | Bansang Iran at Papua New Guinea, niyanig ng lindol

World – Tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa hilaga-hilagang silangan ng Kerman sa Iran.

Ayon sa US-based Pacific Tsunami Warning Center, may lalim itong 33 kilometers o 20 miles.

Samantala, magnitude 6.0 na lindol naman ang tumama sa Northeast Coast ng Papua New Guinea.


Unang nailata ng European-Mediterranean Seismological Center ang lindol sa sukat na 6.3 magnitude, pero ibinaba ito ng USGS.

Kapwa wala namang naitalang nasaktan sa dalawang pagyanig.

Facebook Comments