WALANG ORAS | Robin Padilla at Mariel, hindi na daw masyadong nagla-loving-loving

Manila, Philippines – Wala pang balak ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez na sundan ang isang taong gulang nilang anak na si Isabella.

Say ni Robin, kung gusto ni Mariel ay pwede na aniya silang magka-anak muli.

Pero para kay Binoy, nais niya munang maipasyal at masolo ng anim na buwan si Mariel dahil wala na silang oras sa isa’t isa.


Hindi na rin aniya sila masyadong naglaloving-loving ngayon.

Katwiran ni Binoy, 48-anyos na aniya siya ngayon kaya’t kinakailangan ding magpahinga, matulog at kumain.

Facebook Comments