Manila, Philippines – Wala nang nakikitang pag-asa si Pangulong Rodrigo Duterte na magtatagumpay pa si Ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa mga pinaglalaban nito.
Tinawag ng Pangulo si Sereno bilang “lost cause” at punong-puno rin aniya ito ng “adjectives” at “gimmickry.”
Giit pa ng Pangulo, wala siyang natatagong respeto para kay Sereno.
Matatandaang minaliit ni Sereno ang kampanya ng administrasyon kontra korapsyon dahil sa kawalan ng kaso na inihahain laban sa mga nasisibak na opisyal.
Facebook Comments