WALANG PAGDUDUDAHAN | Publiko, hindi dapat magduda sa hanay ng AFP kaugnay sa umano ay namumuong kudeta sa militar

Manila, Philippines – Walang dapat pagdudahan sa hanay ng Armed Forces of the Philippines.

Ito ang sinabi ni AFP Chief of staff General Carlito Galvez Jr, sa harap na rin ng naging pahayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang sundalo ang nagpagupit ng buhok na senyales na tila may namumuong kudeta o planong pagpapabagsak sa Duterte Administration.

Ayon kay Galvez, muli nyang ipinapangako at tinitiyak sa publiko na mananatili pagkakaisa sa hanay ng AFP at aayusin kung mayroon man sa kanilang hanay ang may hesitation o nagdadalawang isip na sa loyalty o katapatan sa konstitusyon o taong bayan.


Tiwala si Galvez na mananatiling susunod sa chain of command ang 145,000 na mga officers at miyembro ng AFP.

Dahil kung hindi aniya nila ito gagawin o tataliwas sila chain of command maaring ikatanggal nila ito sa pwesto, isailalim sa imbestigasyon at parusa batay na rin sa Military justice system.

Samantala, Ayaw na rin magkomento ni Galvez sa isyu ng pagpapawalang bisa sa amnesty ni Sen Antonio Trillanes IV.

Facebook Comments