WALANG PAKIALAM? | P-Duterte, iginiit na wala siyang kinalaman sa pagkansela sa lisensya ng Rappler – Special Assistant to the President Bong Go, handang sibakin ng pangulo

Manila, Philippines – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang kinalaman sa pagkansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa lisensiya ng Rappler.

Ito’y kasunod ng pahayag ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa na panghaharass ito sa kanila ng administrasyon dahil sila ay nagiging kritikal sa pamahalaan.

Ayon sa pangulo – wala rin siyang pakialam sa usaping ito.


Sinabi pa ng pangulo, handa niyang sibakin si Special Assistant to the President Bong Go kung mapatunayan ang alegasyong pangingialam nito sa multi-billion peso project ng Department of National Defense (DND).

Batay sa article na inilabas ng Rappler, nakialam si Go sa proyekto para makabili ng dalawang warship para sa Philippine Navy.
Sinabi ng pangulo na mayaman si Go at mayroon itong sariling printing press.

Kung gugustuhin aniya ni Go ay kaya nitong siraan ang media sa probinsya.

Facebook Comments