Maynila – Hindi na nakapalag pa ang mga may-ari ng siyam na pig pens sa Baseco Compound Port Area, Maynila nang salakayin sila ng mga opisyal at tauhan ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC).
Mismong si PRRC Director Jose Antonio Goitia ang nanguna sa pagsalakay at pagwasak sa kulungan ng mga baboy ng matagal ng inirereklamo ng mga residente ng Baseco dahil sa ‘mabahong amoy at malangaw’ sa kanilang kapaligiran bunsod ng tinatayang nasa 500 na inaalagaan sa lugar.
Itinuturing din itong pollution dahil ang duming inilalabas ng mga baboy ay direktang tumatapon sa ilog Pasig.
Katuwang ng PRRC sa pagsalakay ang mga tauhan ng Manila Sanitary Office, PNP at NBI kung saan pinagbigyan nila ang pakiusap ng mga may-ari na kunin ang mga alagang baboy at dalhin sa kani-kanilang mga buyer at ibenta kahit sa murang halaga para hindi gaanong malugi.
WALANG PALAG |Siyam na pig pens, winasak
Facebook Comments