WALANG PASAHAN | Panukalang nagbabawal sa pagsingil ng system loss sa mga consumers, pinamamadali

Manila, Philippines – Minamadali na ng House Committee on Energy ang panukalang nagbabawal sa mga power utilities na singilin sa consumers ang system loss sa kuryente.

Ayon kay Energy Committee Chairman Lord Allan Jay Velasco, prayoridad nila ito sa Kamara kaya pinamamadali na nila ang pagpapasa dito.

Sinabi naman ng isa sa may akda ng panukala na si Navotas Rep. Toby Tiangco, kailangang maging agresibo ang mga power utilities sa paglutas ng systems loss sa kanilang operasyon.


Ito aniya ang dapat na atupagin ng mga power utilities sa halip na kubrahin ang kanilang lugi sa systems loss sa mga power consumers.

Sa kasalukuyan ay may tatlong ganitong panukala na nakahain sa Kamara bilang amiyenda sa Anti-Electricity And Electric Transmission Lines And Materials Pilferage act of 1994.

Facebook Comments