WALANG PASILIDAD | Barangay at SK Elections sa Marawi City, sinuspendi ng COMELEC

Manila, Philippines – Sinuspendi ng Commission on Elections (COMELEC) ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections (SK) sa Mayo sa Marawi City.

Ito’y dahil sa kasalukuyang kondisyon ng lungsod matapos ang giyera laban teroristang Maute-ISIS.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ipinag-utos ang suspensyon sa isinagawang en banc ng komisyon.


Ani Jimenez walang pasilidad na magagamit dahil karamihan sa mga eskwelahan ay nasira.

Gayunpaman, magsasagawa pa rin ng assessment ang poll body pagkatapos ng tatlong buwan para matukoy kung gagawin ang eleksyon sa itinakdang schedule.

Facebook Comments