WALANG PASOK | Araw ng Pangasinan Special Non-Working!

Sa pagdiriwang ng ika 43th na Agew na Pangasinan sa ika-5 ng Abril ngayong taon idineklarang Special Non Working Day ang Huwebes ng Malacanang sa pamamagitan ng Proclamation No. 448.

Taon taon inaabangan ang pagdiriwang dahil sa mga aktibidad na inihahanda ng probinsiya para sa mag Pangasinense at mga turistang dadayo. Magsisimula ang programa sa isang Misa 8:00 ng umaga sa Sison Auditorium at susundan ng isang Commemorative Program pagsapit ng 9:00 ng umaga. Pasisinayaan ang Abong na Dayew at Opening of Hall of Fame sa 10:00 ng umaga at ang pinaka unang Kidyam PangAWARAN na pagpapakita ng ganda at istorya ng Pangasinan sa Capitol Plaza 6:00 ng gabi.

Marso 9 , ng inaprubahan ng Malacanang ang nasabing proklamasyon at inaanyayahan na makisalamuha sa pagdiriwang.


Facebook Comments