Roxas City, Capiz – Kinansela ng Roxas City Government ang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ng Roxas ngayong araw , February 13, 2018 dahil sa sama ng panahong dulot ng Bagyong Basyang, ito ay sa pamamagitan ng Executive Order na inilabas ni Mayor Alan Celino.
Wala ring pasok mula pre- school hanggang secondary level sa halos lahat ng bayan sa Capiz matapos kanselahin din ng kani-kanilang alkalde. Sa ngayon nakatutok na ang PDRRMO sa posibleng pagbaha, dahil sa walang tigil na pag-ulan sa mga upland municipalities.
Ipinagbabawal na rin ng PCG-Roxas ang paglalayag ng mga maliliit na sasakyang pandagat dahil malakas ang hangin at alon. Samantala ,hindi nakapaglanding sa Roxas City ang eroplano ng Cebu pacific kaninang umaga dahil sa makapal na ulap at ulan dala ng Bagyong Basyang.