#WALANG PASOK | Pasok sa mga paaralan at tanggapan ng lokal na pamahalaan sa Maynila, suspendido na sa January 9

Manila, Philippines – Sinuspinde na ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang pasok sa mga paaralan at tanggapan ng lokal na pamahalaan sa January 9.

Ito ay para bigyang daan ang nakatakdang ‘Traslacion’ o prusisyon ng Poong Itim na Nazareno na inaasahang dadaluhan ng milyun-milyong Deboto.

Sa Executive Order (E.O) No. 01 na nilagdaan ni Estrada, suspendido ang pasok sa lahat ng unibersidad, kolehiyo at mga paaralan maging sa mga opisina ng pamahalaang panlungsod.


Nakasaaad din sa EO na ang suspensyon naman sa pasok sa mga tanggapan ng pambansang gobyerno maging ng mga pribadong opisina ay nasa diskresyon ng mga pinuno nito.

Inanunsyo na rin ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang pasok sa Korte Suprema, Court Of Appeals at Trial Courts ng first and second level sa lungsod ng Maynila ay kanselado na rin.

Facebook Comments