WALANG PERMIT | Ilegal na istrukturang nakatayo sa Boracay, sinimulan nang sirain

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paggiba sa mga ilegal na struktura na itinayo ng isang sikat na resort sa Boracay.

Winasak ang view deck sa ibabaw ng rock formations ng Boracay West Cove Resort sa Barangay Balabag.

Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, sinira ang mga ito dahil walang permit ang pagtatayo ng view deck sa resort.


Nabatid na binigyan ng DENR ng Forest Land Agreement for Tourism purpose permit ang naturang resort at kinansela ito.

Pero inapela ito ng may-ari ng resort at nakabinbin pa sa Office of the President.

Facebook Comments