WALANG PERSONALAN | Associate Justice Lucas Bersamin, tumangging mag-inhibit sa Quo Warranto Case laban kay Sereno

Manila, Philippines – Binasura ni Supreme Court (SC) Associate Justice Lucas Bersamin ang hirit ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na mag-inhibit siya sa quo warranto petition laban sa Punong Mahistrado.

Sa kanyang isinumiteng draft resolution sa Supreme Court En banc, iginiit ni Justice Bersamin na wala siyang sama ng loob kay Sereno at ang pagtestigo niya sa impeachment case sa House Justice Committee ay pawang propesyonal lamang.

Wala rin aniyang ligal na basehan para mag-inhibit siya sa pagdedesisyon sa petisyon.


Bukod kay Bersamin, pinag-iinhibit din ni Sereno sa Quo warranto case sina SC Justices Teresita Leonardo-De Castro, Diosdado Peralta, Francis Jardeleza at Noel Tijam.

Ang quo warranto petition laban kay Sereno ay nag-ugat sa sinasabing kabiguan nitong makapaghain ng humigit kumulang sampung Statement of Assets, Liabilities and Net worth o SALN.

Facebook Comments