WALANG PINSALA | Davao Occidental, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Davao Occidental – Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Davao Occidental 11:33 ng kagabi.

May layong dalawang kilometro ang sentro ng lindol mula sa silangang bayan ng Sarangani habang may lalim ito na 186 kilometro.

Tectonic ang nakitang dahilan ng paggalaw ng lupa na naramdaman din sa Alabel, Saranggani sa lakas na instensity III.


Hindi naman inaasahan ang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Facebook Comments