WALANG PINSALA | Magnitude 5.0 na lindol, naramdaman sa Sarangani

Sarangani, Davao Occidental – Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental.

Naramdaman ang lindol mag-a-alas diyes kagabi.

Naitala ng PHIVOLCS ang epicenter ng lindol sa 201 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani.


Tectonic ang origin ng pagyanig na may lalim na 59 kilometers.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks ang lindol.

Facebook Comments