WALANG PINSALA | Magnitude 5.2 na lindol, naramdaman sa San Felipe, Zambales

Zambales – Naramdaman kahapon ng mga residente ng bayan ng San Felipe sa Zambales ang magnitude 5.2 na lindol.

Bukod sa Zambales, umabot din ang lindol hanggang sa Metro Manila kung saan naitala ang intensity IV sa bayan ng San Felipe; intensity III sa Cainta, Rizal; at intensity II sa Mandaluyong City, Pasay City, Pasig City, at Quezon City.

Samantala, naitala naman ang instrumental intensity II sa Olongapo City, Zambales, Guagua, Pampanga, at Marikina City; at instrumental intensity I sa Muntinlupa City, at Tagaytay City, Cavite.


Sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS, naganap ang lindol sa 27 kilometro timog-kanluran ng San Felipe na may lalim na 20 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Matapos nito muling naramdaman ang magnitude 3.3 na lindol sa 31 kilometro timog-kanluran ng San Felipe, alas-7 ng gabi na may 18 kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang pinagmulan.

Facebook Comments