Manila, Philippines – Inihayag ng Department of Trade and Industry na walang plano ang pamahalaan na magpatupad ng price control sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Sa briefing sa Malacañang, sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na kapag nagpatupad sila ng price control ay magkaroon ng hindi magandang epekto sa mga agricultural products.
Paliwanag ni Castelo, batay sa Price Act ay nagbabantay lamang ang Pamahalaan sa persyo at tinitiyak na hindi lalampas sa itinakdang suggested retail price o SRP ang mga negosyante.
Sinabi pa ni Castelo na imbes na magpatupad ng price control ay napagkasunduan ng economic cluster na dag-dagan ang supply ng mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, poultry products, isda at asukal upang mapababa ang presyo ng mga ito sa merkado.