WALANG PLANO | Senado, walang planong busisiin ang isyu sa mga Mayor na missing in action sa panahon ng kalamidad

Manila, Philippines – Walang plano ang Senate Committee on Local Government na busisiin ang isyu hinggil sa 16 na Mayor na sinasabing wala sa kanilang lugar habang nananalasa ang malakas na bagyong Ompong.

Ayon kay Committee Chairman Senator Sonny Angara, mainam na pagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng kalamidad bago maghanap ng sisisihin.

Tumanggi si Angara na magbigay komento agad laban sa 16 na mayor sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad sa cagayan valley at Cordillera Administrative Region.


Katwiran ni Angara, hindi nya alam ang detalye o naging sitwasyon kung bakit hindi mahagilap noon ang nabanggit na mga alkalde at makabubuting pakinggan din muna ang paliwanag ng mga ito bago sila husgahan.

Facebook Comments