Manila, Philippines – Kumpyansa si Senate Minority Leader Franklin Drilon na umaayon sa konstitusyon ang isinasapinal na bersyon ng bicameral conference committee o bicam para panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Gayunpaman, ikinalungkot ni Drilon na wala itong probisyon para sa anti-political dynasty.
Dahil dito ay duda si Drilon na matutugunan ng BBL ang problema sa kahirapan at mahusay na pamamahala sa Mindanao.
Tinukoy pa ni Drilon ang pag-aaral na ginawa ng Ateneo School of Government na nagpapakita ng koneksyon ng kahirapan at political dynasty sa apat na pinakamahihirap na lalawigan sa Autonmous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Naniniwala si Drilon na makakamit lang ang lubos na pag-unlad ng ekonomiya sa parteng Mindanao kapag matagumpay na natuldukan ang political dynasty.
Ngayong araw ay muling magko convene ang Bicam para ipagpatuloy ang pagtalakay sa proposed BBL.