WALANG PROBLEMA | Desisyon ni Kobe Paras na sumabak sa probaskebtall, suportado ng pamilya

PBA – Suportado ni PBA legend Benjie Paras ang desisyon ng kanyang anak na si Kobe na sumabak na sa professional basketball.

Ayon kay Benjie, wala silang nakikitang problema at kampante siya na paninindigan ng kanyang anak ang naging desisyon nito.

Kahapon, inanunsyo ni Kobe ang kanyang intensyong pumasok sa professional world matapos na sibakin ang head coach ng California State University, Northridge si Reggie Theus at Athletic Director nitong si Dr. Brandon Martin.


Hindi pa naman masabi ni Kobe kung saan niya balak ituloy ang kanyang karera sa basketball pero unang nang inihayag ng Middlebrooks Academy na bukas ang lahat ng pintuan sakaling bumalik ito sa kanila.

Facebook Comments