WALANG PROBLEMA | Pagpapasara sa ilang DDS Facebook page hindi big deal sa palasyo

Manila, Philippines — Minaliit lang ng Malacañang ang pagpapasara ng Facebook sa ilang Facebook pages na nagpapakita ng suporta sa Administrasyong Duterte.

Nabatid na maraming isinarang facebook pages kabilang na ang ilang sinasabing DDS pages na ang dahilan ay may mga nalalabag umano ang mga ito na panuntunan ng Facebook tulad ng spamming at umano’y pagpapakalat ng fake news.

Ayon kay Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, wala namang magagawa ang sinoman dahil mayroong rules and regulations ang Facebook na kanilang ipinatutupad. Pero sinabi ni Panelo na marami pa namang mga social media sites na maaaring maghayag ng suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte tulad ng Twitter, Instagram at marami pang iba.


Matatandaan na napili ng facebook ang Rappler at ang Vera files bilang 3rd party checkers para maghanap ng mga Facebook pages na nagpapakalat ng mga fake news at mga spam post sa nasabing social media platform.

Facebook Comments