Walang promotion sa mga pulis na hindi papayat, ibinabala ni PNP Chief Police General Debold Sinas

324

Hinamon ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Debold Sinas ang opisyal ng pulis na i-monitor ang kanilang body mass index (BMI).

Ayon kay PNP Spokesperson Ildebrandi Usana, hinihikayat ni Sinas ang kapulisan na mag-ehersisyo para lumakas ang kanilang pangangatawan.


Aniya, hindi mapo-promote ang mga police officials kung hindi sila magpapapayat.

“China-challenge niya na po ngayon yung ilan sa mga officers na halos nakasabayan niya yung time na siya ay mabigat-bigat pa na ngayon ay nauhan na niya magpapayat at sinabi niyang kapag hindi ka nagpapayat, hindi kita ipo-promote.. something like that.” ani Usana

Sa ngayon, 18 kilo na ang nabawas sa timbang ni Sinas dahil sa regular na pag-e-ehersiyo, pagkakaroon ng sapat na oras ng tulog at tamang pagkain.

Facebook Comments