Pinaigting ng Lungsod ng Dagupan ang pagpapatupad ng Republic Act No. 11313 o mas kilala bilang Safe Spaces Act upang masigurong walang puwang ang anumang uri ng pambabastos sa lungsod.
Layunin ng batas na protektahan ang kababaihan, kabataan, at lahat ng mamamayan laban sa catcalling, pambabastos, at iba pang anyo ng harassment sa kalsada, paaralan, opisina, at iba pang pampublikong lugar.
Kaakibat ng mga ipinagbabawal na gawing ito ang multa at posibleng pagkakakulong para sa mga lalabag.
Ayon sa pamahalaang lungsod, anumang uri ng harassment, gaano man ito kaliit, ay hindi pinapalampas at tinutugunan alinsunod sa batas.
Binibigyang-diin din ang mahalagang papel ng kooperasyon ng bawat mamamayan upang matiyak na ang Dagupan ay isang lungsod na malaya sa harassment at puno ng respeto para sa bawat isa.
Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang publiko na maging mapagbantay at agad iulat sa PNP Dagupan ang anumang insidente ng harassment sa pamamagitan ng mga hotline na 0998 598 5121 o 0933 502 4899. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








