Halos isang daang porsyento ang naging attendance ng mga barangay officials mula sa ibat ibang bayan ng Maguindanao ang dumalo kasabay ng isinagawang Joint Training of Barangay Officials on Drug Clearing Cum Peace Summit.
Isinagawa ang aktibidad sa Provincial Gymnasium, Sahriff Aguak, Maguindanao araw ng Martes, December 17. Nanguna sa okasyon si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Layun ng aktibidad ay para mas palakasin pa ang kampanya ng bawat barangay kontra illegal drugs. Sinasabing sa kabila ng may iilang bayan na ang nauna ng nadeklarang drug cleared sa Maguindanao , nakakalungkot naman aniya na may anim pang munisipyo na niisang barangay ay hindi man lamang naideklarang drug free giit pa ng Gobernadora.
Nauna na ring inihayag ni Governor Bai Mariam sa isinagawang Provincial Peace and Order Council Meeting na walang puwang sa Maguindanao ang mga nahuhumaling sa droga lalo na ang mga kabilang sa High Value Target ng mga otoridad.
Umaasa si Governor Bai Mariam na magpapatuloy ang suporta ng mga baranggay officials sa kanilang mga adbokasya at mga programa.
Samantala, bisita rin kahapon sa okasyon ang mga opisyales mula PDEA BARMM sa pangunguna ni Regional Director Juvenal Azurin at 601st Brigade Commander Col. Jose Narciso ng AFP at Provincial Director ng DILG-Maguindanao Amina Dalandag.
PGO PIC