Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi na kailangang isara ang anumang kalsada bukas, February 25 kasabay ng ika-35 taong anibersaryo ng EDSA ‘People Power’ Revolution.
Sa halip, magbubukas lamang ang MMDA ng zipper lane sa eastbound direction ng White Plains Avenue sa Quezon City.
Ang zipper lane o counterflow scheme ay bubuksan sa harap ng Gate 5 ng Camp Aguinaldo para sa inaasahang dami ng sasakyang dadaan sa EDSA.
Maglalagay rin ng plastic barriers at traffic cones para gabayan ang mga motorista sa paggamit ng zipper lanes.
Katuwang ang Philippine National Police (PNP) at Quezon City Government, ang MMDA ay magde-deploy ng traffic marshals.
Magsasagawa rin ng road clearing operations para alisin ang mga illegally-parked vehicles.