WALANG SAFETY GEAR | Dalawa, patay matapos ma-suffocate sa ilalim ng manhole sa Marikina City

Marikina City – Patay ang 2 construction worker matapos na ma-suffocate sa pinasok na manhole sa Malanday, Marikina City.

Kinilala ang dalawa na sina william Parandino at Eduardo Santos, kapwa tauhan ng construction company na F.F. Cruz.

Ayon kay Marikina City Police Chief Sr/ Supt. Roger Quesada – alas onse kaninang umaga nang magsimula ang operasyon kung saan magbababa sana ng water pump ang dalawa para tanggalan ng tubig ang manhole.


Pero makalipas ang 45 minuto, nagkataka ang kanilang mga kasamahan nang hindi na sila lumabas sa manhole.

Tinangka pang i-rescue ng isa nilang kasama sina Parandino at Santos pero bumalik din ito dahil hindi raw kinaya ang stiwasyon sa ilalim.

Alas 2:15 kaninang hapon nang marekober ang katawan ni Parandino habang alas 2:20 ang kay Santos.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung may pagkukulang ang kumpanya dahil nabatid pinababa sa manhole ang dalawa nang wala man lang suot na safety gear.

Facebook Comments