WALANG SAKIT | Malacañang, nanindigang walang iniindang malubhang sakit si P-Duterte

Manila, Philippines – Nanindigan ang Malacañang na walang malubhang sakit si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Magdalo Representative Gary Alejano na kaya pupunta ng Israel at Jordan ang Pangulo ay para magpagamot at walang kinalaman ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ilang araw ng nakikitang dumadalo ang Pangulo sa kaniyang mga regular na gawain kabilang na ang mga speaking engagement nito sa Visayas at Mindanao.


Aniya, ang nararamdaman ng Pangulo ay natural lang sa mga katulad niyang nagkakaedad.

Mababatid na sinabi rin ni Alejano na galing ang impormasyong may sakit ang Pangulo mula sa taong malapit rito.

Facebook Comments