WALANG SAYSAY? | Ikalawang petisyon kontra martial law extension, inihain sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Naghain sa Korte Suprema ng hiwalay na petisyon kontra martial law extension ang mga militanteng grupo.

Partikular ang NUPL o National Union of People’s Lawyers, grupong Bayan at Karapatan.

Ayon kay NUPL Chairperson Atty. Neri Colmenares, walang saysay ang pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao lalo nat mismong ang gobyerno na rin ang nagsabi na wala nang nagaganap na rebelyon sa rehiyon.


Inakusahan din ng petitioners ang Kamara at Senado ng grave abuse of discretion nang pahintulutan nito ang pagpapalawig sa martial law sa Mindanao.

Umaasa rin ang petitioners na magsasagawa ng oral arguments ang Supreme Court lalo nat ito ay ikalawang petisyon na kontra martial law extension.

Una nang naghain sa Korte Suprema ng kahalintlad na petisyon ang opposition congressmen sa pangunguna ni Albay Cong. Edcel Lagman.

Facebook Comments