Manila, Philippines – Ibinasura ng Senate Ethics Committee ang reklamong inihain ni dating Customs Commssioner Nicanor Faeldon laban kina Senador Panfilo Lacson at Antonio Trillanes.
May kaugnayan ito sa pagkaladkad ng pangalan ni Faeldon sa umano’y korapsyon sa Customs.
Sabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na miyembro rin ng komite –batay kasi sa nasabing doktrina dapat ang nag-aakusa ay wala rin dapat ginagawang pagkakamali.
Dismissed without prejudice naman ang tatlong ethics complaint laban kay Sen. Leila De Lima.
Kabilang na ang reklamo kaugnay ng pagtatangka nito na pigilan ang dating Driver/Lover na si Ronnie Dayan na dumalo sa pagdinig ng Kamara.
Ikinatuwa naman ni de Lima ang desisyon ng komite na isang patunay aniya na walang saysay ang reklamo laban sa kanya.